Monday, July 26, 2010



Apritadang Kandule

One big Catfish cut into 4 pieces (depende sa laki na gusto ninyo)
Garlic
Onions
Tomato
Red Bell Pepper
Potato
Vinegar
Skyflakes
Salt

Iprito Kandule, set aside pag prito na ...Igisa yung bawang sibuyas at kamatis... lagyan ng kalahating tasang chicken broth.. lagyan ng konting suka ...ihalo ang patatas at red bell pepper...pag medyo kumukulo na lagyan ng dinurog na Skyflakes (biscuit) yung sarsa para pampalapot...konting asin at vetsin (depende sa pang lasa mo) hayaang kumulo para pumasok yung lasa sa isda ...10 to 15 minutes luto na yung patatas at red bell pepper at pag medyo matuyo tuyona yung sarsa hanguin na at luto na yon...serve it hot.

Friday, July 16, 2010


Ingredients:
Bawang
Kamatis
Patis
Asin
Labanos
Karne ng Baboy
Durog na Paminta
Suka
Maggisa ng bawang at kamatis lagyan ng kongting patis pang palasa ... ihalo ang hiniwang baboy...lagyan ng pamintang durog... ihalo ang hiniwang labanos na pabilog gaya ng nakikita sa kaliwa dagdagan ng asin depende sa panlasa ninyo...after 15 minutes i-set asside ang labanos...vetsin konti lang...pag malambot na karne ng baboy ... medyo patuyuin ang sarsa ng konti wag naman masyadong tuyo, yung masarsa ng konti ... ibalik yung labanos haluin tapos ...kainan na... Enjoy! Habang kumakain ka, namnamin mo yung mga nakaraan sa buhay mo para mas masrap kumain... yung maganda pangyayari wag pangit di ka makakain nuon.

Wednesday, July 14, 2010

Laksa


Magisa ng bawang, sibuyas, haluan ng baboy na hiniwa na parang pang menudo... pag nagmamantika na... haluan ng 2 lata ng coconut milk (gata)... add achuete...tapos lagyan ng 2 kutsarang spicy bagoong... ihalo ang gulay: sitaw, talong, at puso ng saging na manipis ang hiwa, pag luto na gulay, lagyan ng sotanghon na ibinabad sa tubig konti lang kasi nagmumukha siyang pansit pag madaming sotanghon... tapos sitsaron pag medyo matuyo tuyo na hango ang laksa.